» 
 » 
Ikay Manalangin



Текст песни Jw Broadcasting - Ikay Manalangin

Ikay Manalangin
Jw Broadcasting
www.jwbmv.com
This is the second revision. Some changes made

Kung may problemang dumarating,
ang hirap para sa atin na to'y harapin.
Kung minsan iba'y di makatulong,
lumapit kay Jehova,
Manalangin.

Wag ka nang malumbay,
sa Diyos ay magtiwala.
Hawak mo'y tagumpay,
kung mananalangin.
Pag di mo makaya,
nariyan siya, nasa iyong tabi.
Siya'y ating gabay,
tunay nga kung mananalangin.
Siya'y pasayahin
Magpaakay ka.

Bawat araw may suliranin,
kapos man at marami pang babayarin.
Nais pa rin natin mamahagi,
ng iba'y mapasaya.
Magpasaya.

Wag ka nang mangamba,
sa Diyos ay magtiwala.
Buhay mo'y gaganda,
kung mananalangin.
Kahit na mahina,
may lakas dahil nandyan Siya.
Siya'y ating gabay sa tuwina.
Laging manalangin,
Siya'y pasayahin.

Magpaakay ka lang
sa Diyos ay magtiwala.
Buhay mo'y gaganda,
kung mananalangin.
Kahit na mahina,
may lakas dahil nandyan siya.
Siya'y ating gabay sa tuwina.
Laging manalangin,
Siya'y pasayahin.
Pasalamatan.
https://lyrics.primanota.net/jw-broadcasting/ikay-manalangin.htm