» 
 » 
Butch Charvet - Tugon



Текст песни Misc Unsigned Bands - Butch Charvet - Tugon

Butch Charvet - Tugon
Misc Unsigned Bands
Tugon
Butch Charvet

Para sa lahat ng mga christian band...
Comments and suggestion
pards@live.com

 –  –  –  

Makulimlim ang panahon, At ‘di humuhuni ang ibon
Dumarating at nananaghoy, Puso mong ‘di naghihilom

Sa pagdating ng bukang liwayway, At wala sa'yong dumaramay
Lalo lang nauupos, Ang pag-asang dati ng kapos

Kay hirap nang unawaain, Ang pusong nasisikil
Tila ba walang pag-asa, Tila ba mundo'y nagunaw na

Ang nais ko ika'y mapansin, Ang ‘yong damdami'y intindihin
Lalo lang lumalabo, Pagkat sila'y lumalayo

Ang  tao nga'y sadyang ganyan, Minsa'y ‘di na nga makaramdam
Ang nais mong ipabatid, Diyos na lang ang nakababatid

Kay hirap mang unawain, Ang tao minsa'y sakim
Ito'y ‘di mo makakayanan, Kung si Hesus hindi mananahan . . .
Sa puso mong tigang

Adlib:   –  –  –  

Makulimlim ang panahon, At  ‘di humuhuni ang ibon
Dumarating at nananaghoy, Si Kristo ang iyong tugon
Ang puso mong ‘di naghihilom, Si Kristo ang iyong tugon
Hindi ka man napapansin, Si Kristo ang iyong tugon

GOD BLESS US ALL!
https://lyrics.primanota.net/misc-unsigned-bands/butch-charvet-tugon.htm