» 
 » 
I Love You Thank You - Huling Gabi



Текст песни Misc Soundtrack - I Love You Thank You - Huling Gabi

I Love You Thank You - Huling Gabi
Misc Soundtrack
Pangarap ko ang makalayo
Sa pangarap ko na dinulot mo
Ang matulog sa gabi nang di alintana ang ginaw
At di humihiling na ang kapiling ay ikaw

Ikaw na rin ang minsang nagbanggit
Sa mga katapusang hindi mo maipipilit
Kung kinabukasa'y  matutunan kong umiwas
Matitiyak ko ba na mabigyan ako ng lunas

Sa mga sakit na dulot nang
Iyong di paglingon
Iyong di pagtanaw
Iyong di pagtugoN
Kung minsan pa'y
Iaalay sayo itong gabi
At ipinapangako kong
Ito na ang huli
Hindi na maghahangad nang di mo maibabalik

Isang unos ang muling susuungin
Isang kasinungalingan ang yayakapin
Mamamatay ang ilang kapalit ng isang pagkakaibigan
Masisisi mo ba kung ito ang kinakailangan

Ng mga sakit na dulot nang
Iyong di paglingon
Iyong di pagtanaw
Iyong di pagtugoN 
Kung minsan pa'y
Iaalay sayo itong gabi
At ipapanalangin kong
Ito na ang huli
Di na magpapatinag sa iyong mga pagtawag
at itatanggi sa sarili na ikaw pa ang hangad

Ng mga sakit na dulot nang
Iyong di paglingon
Iyong di pagtanaw
Itong aking tugon

Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi
Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi
Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi
mmmmmm
https://lyrics.primanota.net/misc-soundtrack/i-love-you-thank-you-huling-gabi.htm